Nakatanggap ng regalo mula sa isang die-hard fan si Ginebra Import Justin Brownlee.
Sa isang TikTok video na inupload ng user na si Anthony 110377, isang customized shoes ang natanggap ng atleta bagay na kaniyang ikinatuwa at pinasalamatan.
Nakaukit sa naturang sapatos ang pangalan ni Brownlee at ang Battlecry ng Gin Kings na, “Never Say Die.”
Nangako naman ang import player na kaniyang iingatan at hindi gagamitin sa laro ang customized shoes, upang hindi ito agad masira.
Matatandaang inaprubahan na ng Senado ang filipino citizenship ni Brownlee at tanging ang pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang hinihintay upang siya ay maging ganap na Filipino citizen.