Isang panalo na lamang ang kinakailangan ng Barangay Ginebra San Miguel para makuha ang kampeonato sa PBA Governor’s Cup matapos talunin ang Meralco Bolts sa iskor na 85-74 at maitala ang 3-2 sa kanilang best of seven series.
Bumida sa panalo ng Gins si Greg Slaughter na nakapagtala ng 17 points, 15 rebounds at limang blocks.
Samantala, nagtala naman ng 20 points at 12 rebounds si Justin Brownlee na sinundan ni LA Tenorio na may 17 points.
Hindi naman makapaniwala si Ginebra Coach Tim Cone matapos maging record-breaking ang naging laban.
Samantala, sa Miyerkules na magaganap ang do or die game ng dalawang koponan pabor sa Ginebra.
—-