Kinumpirma ng Barangay Ginebra na hindi makakalaro sa 2022 PBA Philippine Cup ang dating PBA most valuable play na si Mark Caguiao.
Ayon kay Ginebra Team Governor Alfrancis Chua, may mga kailangang aayusin si Caguiao kaya’t posibleng sa buong Conference ito hindi makasali.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang koponan pero magugunitang nakaranas ng injury si Caguiao dahilan para maging limitado ang kaniyang paglalaro noong nakaraang mga conference.
Sisimulan ang PBA Season 47 sa Hunyo a-5 kasama ng tradisyonal na parada at mga muse.