Kapwa umaasa ang Barangay Ginebra at Meralco Bolts na kanilang makukuha ang unang panalo sa game 1 ng PBA Governor’s Cup Finals na gaganapi mamayang gabi sa Smart Aranet Coliseum sa Quezon City.
Ito na ang ikatlong pagkakataon sa loob ng apat na taon na muling nagkaharap ang Ginebra at Meralco sa championship series sa PBA.
Sa kabila nito, kapwa ipinakibit balikat nina Meralco Bolts Coach Norman Black at Barangay Ginebra Coach Tim Cone ang umano’y panibagong namuong mainit na tunggalian sa pagitan ng dalawang koponan.
Unang itinakda ang game 1 ng PBA Governor’s Cup Finals ngayong Miyerkoles, Enero 8 pero napasiyahang paagahin ito ng isang araw para mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga at makapaghanda ang dalawang koponan sa game 2 sa biyernes ng gabi.