Nasungkit ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa 2017 PBA Commissioners’ Cup.
Itinumba ng Ginebra ang NLEX Road Warriors sa score na 101-92 sa kanilang paghaharap sa Cuneta Astrodome sa Pasay City, kagabi.
Nagpakawala ng double-double na 18 points at 13 rebounds si Justin Brownlee para sa Gin Kings habang nag-ambag ang kanyang mga teammate na sina Veteran Forwards Joe Devance ng 18 points at Japeth Aguilar ng 17 points.
Kumamada naman ng 16 points si Wayne Chism para sa NLEX subalit hindi ito naging sapat upang makasilat ng kahit isang panalo ang koponan na nananatiling kulelat sa kartadang 0-7.
Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang Barangay Ginebra na nasa ikalimang puwesto.
By Drew Nacino
Photo Credit: PBA Images