Hinimok ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez ang publiko na makiisa sa itinakda nilang hearing kaugnay sa kahilingang tapyas-pasahe.
Sinabi sa DWIZ ni Ginez na nagpalabas na sila ng notice para sa naturang hearing na itinakda nila sa September 21.
“Nagpalabas pa lamang kami noong nakaraang linggo ng notices of hearing at ang mga ito ay gaganapin sa September 21, binibigyan naman ng pagkakataon lahat ng mga gustong mga-komento at mag-oppose na mag-file naman ng kanilang comments at opposition.” Ani Ginez.
HPG
Welcome din kay LTFRB Chairman Winston Ginez ang kautusan sa Highway Patrol Group (HPG) na ayusin ang trapiko.
Sinabi sa DWIZ ni Ginez na kahit noon pa man ay malinaw na ang papel nila laban mga lumalabag sa prangkisa tulad ng mga colorum at out of line public vehicles.
“Kami pa rin ay magpapatuloy na magkakaroon ng jurisdiction sa lahat ng mga franchise violations tulad ng mga kolorum, out of line etc., kami po ang mayroong karapatan, kami ang mag-titicket ng mga ganoong violations.” Pahayag ni Ginez.
By Judith Larino | Ratsada Balita