Hindi uubrang case-to-case basis ang pagbabatayan sa pag-phase out ng school service na edad 15 taon pataas.
Ito ang binigyang diin ni Land Transportation Franchising Rehulatory Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez sa gitna ng reklamo ng ilang operator na kahit 15 taon na ang kanilang unit ay hindi pa naman masyadong nagagamit at hindi rin laspag ang mga ito.
Subalit, sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Ginez na bagama’t binibigyan nila ng palugit na hanggang sa susunod na taon ang mga operator ng school service ay tuloy ang pag-phase out sa mga unit.
Nilinaw naman ni Ginez na sa 10,000 school service sa buong bansa ay 30% lamang sa mga ito ang mape-phase out.
“Unang-una po ay hindi naman po yung buong 10,000 ang ating mapapalitan, about 30 percent po lamang ang kailangang palitan dito, kaya nga po tinimbang natin yan at kinonsider po yan ngayong taong ito.” Pahayag ni Ginez.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit