Pinataob ng NLEX Road Warriors ang Barangay Ginebra sa Overtime game sa score na 120-117 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Pinangunahan ng import ng NLEX na si Earl Clark ang kanilang pagkapanalo matapos nitong magtala ng 37 points, 17 rebounds at pitong assists habang nag-ambag naman ng 26 points si Don Trollano.
Dahil dito ay natuldukan ang lima nilang sunod na pagkatalo at mayroon nang apat na panalo.
Nasayang naman ang ambag na 39 point ni Justin Brownlee at 19 points ni Scottie Thompson matapos mabigo ng Ginebra.—sa panulat ni Hannah Oledan