Make or break ang laban para sa nag-iisang pambato ng Pilipinas sa weightlifting sa Southeast Asian o SEA Games na si Nestor Colonia.
Sasabak ang Olympian na si Colonia sa men’s 56-kilogram division kahit nasa ilalim pa ito ng recovery stage ng kanyang back surgery.
Sa kabila nito, tiwala si Philippine Weightlifting Federation President Monico Puentevella na makakakuha ng gintong medalya si colonia sa kabila ng kondisyon nito.
Nilinaw naman ni Puentevella na nasa kondisyon pa rin si Colonia kaya ito napasama sa delegasyon at pinayagang makalaban.
Si Colonia ay beterano nang lifter na maliban sa paglalaro sa Olympics ay nakasungkit din ito ng gintong medalya sa Asian Championships noong 2015.
By Ralph Obina