Napatunayan na talaga nga namang magpa-hanggang ngayon ay buhay pa rin ang alaala ng malaking trahedya sa dagat na naganap noong 1912 na sumikat mula nang gawin itong pelikula, ang Titanic.
Kung bakit? Alamin.
Kamakailan ay naibenta sa isang auction ang gold pocket watch ng kapitan ng barkong RMS Carpathia na si Arthur Rostron sa halagang 2 million U.S. dollars o 117.7 million Pesos.
Ayon sa auctioneer na si Aldridge, na siyang nagmamay-ari ng gold pocket watch, umabot sa ganung presyo ang gold pocket watch niya dahil pakonti na nang pakonti ang mga memorabilia mula sa lumubog na barko.
Una rito, noong araw na maganap ang trahedya, personal na inisyatiba ni Captain Rostron na baybayin ang direksyon ng lumubog na Titanic kahit pa may kalayuan ito mula sa kinaroroonan nila.
Matatandaang lumubog ang Titanic noong unang araw ng paglayag nito noong 1912 matapos bumangga sa isang iceberg sa North Atlantic.
Kabilang nga sa mga pasahero ng Titanic ang tatlong babaeng nagregalo ng gold pocket watch sa kapitan ng barko.
Ang nasabing mga babae ay mga misis ng mga mayayamang pasahero
Isa sa mga ito ay nakilalang si Madeleine Astor na misis ng pinakamayamang pasahero sa lumubog na barko na si John Jacob Astor.
Iniregalo ng tatlong misis ang 18-carat Tiffany & Co. gold watch kay Rostron bilang pasasalamat dahil nakaligtas sila sa tulong ng kapitan.
Si Rostron ay binawian ng buhay noong November 4, 1940 sa edad na 71 dahil sa sakit na pneumonia.
Ikaw, anong masasabi mo sa nostalgic na kwento na ito?