Sinuspinde na muna ni Philippine National Police (PNP) Chief General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang giyera kontra droga.
Ibig sabihin nito ay wala munang oplan tokhang at oplan double barrel sa ngayon.
Ayon kay Dela Rosa, mismong ang Pangulong Duterte ang nag-utos sa kanya na itigil muna ang war on drugs at tutukan muna ng PNP ang paglilinis sa hanay nito.
Itoy bunsod na rin ng pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo, na kagagawan umano ng mga sindikatong pulis.
Ayon kay Dela Rosa, magiging kasing tindi ng kampanya kontra droga, ang gagawin niyang paglilinis sa kanilang hanay.
Dagdag pa nito, bagamat araw ngayon ng mga drug lord, huwag naman anya magpapakampante ang mga ito dahil babalik din ang war on drugs ng PNP.
Inabisuhan naman ni Dela Rosa ang mga pulis na mang-aresto pa rin ng mga drug pusher kapag nahuli sa akto na nagbebenta ng bawal na gamot.
By Jonathan Andal (Patrol 31)