Ipinangako ni outgoing President Rodrigo Duterte na kanyang ipagpapatuloy ang giyera kontra ilegal na droga kahit bumaba na siya sa kanyang puwesto sa June 30.
Binalaan din ni Pangulong Duterte ang mga nagbabalak na pumasok sa nabanggit na ilegal na aktibidad dahil hindi niya ito papayagan.
Gayunman, aminado ang Punong Ehekutibo na hindi pa niya mabatid kung paano niya ipagpapatuloy ang giyera kontra droga.
Samantala, hindi naman nababahala si Pangulong Digong sa mga batikos kaugnay sa umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang administrasyon.