Pinaplantsa na ng Philippine National Police ang mga ikakasa nilang hakbang kontra sa iligal na sugal sa bansa.
Ayon kay Deputy Director Francisco Uyami, Deputy Chief for Administration ng PNP, magkakaroon din sila ng Oplan Tokhang laban sa mga gambling lord at operator ng iligal na sugal tulad ng jueteng, masiao at iba pa.
Ibinabala pa ni Uyami na hindi magiging madugo ang kampaniya ng administrasyon kontra iligal na sugal sa uumpisahan sa susunod na taon kumpara sa giyera kontra droga.
Katuwang ng PNP ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa pagpapatupad ng expanded small town lottery na siyang ipangtatapat naman sa jueteng.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)