Magkakaroon ng mga programa at proyekto ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa settlement areas sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA).
Layunin ng programa na maibsan ang kahirapan, mapaunlad ang agribusiness, magkaroon ng trabaho, panatilihin ang kapayapaan, at kaayusan sa settlement areas.
Inatasan ni agrarian reform Secretary Conrado Estrella III ang project development team na alamin ang nangangailangan ng tulong sa 57 settlement areas sa bansa.
Dagdag pa ni Estrella, ang pondong gagamitin sa proyekto ay manggagaling sa maunlad na bansa kabilang na ang Japan, France at Spain.
Naaayon sa priority program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hakbangin ng DAR katulad ng pagpapaunlad ng agrikultura, produksyon ng pagkain at maibsan ang kagutuman at kahirapan sa bansa. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon