Maaaring abutin na lamang ng dalawang linggo ang giyera sa Marawi City.
Ayon ito kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Commander Lt. General Carlito Galvez matapos mabawi kahapon ang Banggolo Bridge na unang pinagkutaan ng mga teroristang Maute.
Sinabi ni Galvez na nasa limandaang (500) metriko kwadrado na lamang ang lugar na okupado ng nasa mahigit apatnapung (40) natitirang miyembro ng Maute sa lungsod.
Gayunman, hindi pa rin aniya kumpiyansa ang militar dahil sa may kakayahan pa rin aniyang makapatay ng tropa ng pamahalaan ang mga kalaban.