Nilinaw ng AFP o Armed Forces of the Philippines na hindi pa tuluyang natatapos ang digmaan sa Marawi City kahit pa pormal nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ganap na paglaya nito.
Ayon kay AFP Spokesman Maj/Gen. Restituto Padilla, hindi bababa sa 30 terorista pa ang nananatili sa may dalawang ektaryang bahagi ng lungsod at patuloy pa rin aniya ang manaka-nakang putukan sa lugar.
Gayunman, iginiit ni Padilla na hindi na ito itinuturing na seryosong banta ng militar lalo’t karamihan aniya sa mga terorista ay pawang mga sugatan na at nahihirapan nang makagalaw.
Bagama’t tapos na ang malalaking operasyon ng militar, nasa mopping up operations na lamang ang ginagawa ruon habang nasa 20 pa ring bihag ang hawak pa rin ng mga nalalabing puwersa ng kalaban.