Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magresulta sa giyera sa Mindanao kung hindi maipapasa ang Bangmoro Basic Law o BBL at hindi mapalitan sa federal ang sistema ng gobyerno.
Sa paglulunsad ng Overseas Filipino Bank, sinabi ni Pangulong Duterte na panahon na para matuldukan at maitama ang tinatawag na historical injustice sa mga Moro sa pamamagitan ng BBL at Charter Change tungo sa federalismo.
Aniya, tiyak na magagalit ang mga Moro at magkakaroon ng giyera sa Mindanao kung hindi maipapasa ang BBL.
Iginiit pa ng Pangulo na ang mga sibilyan ang magdurusa kung puputok ang giyera sa Mindanao.
—-