Naglabas ng kanyang saloobin si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kasunod ng pagkansela ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Duterte, ang pakikipaggiyera ng mga makakaliwang grupo sa mga tropa ng gobyerno ay taliwas sa kanilang ideolihiyang ipinaglalaban.
Idinagdag pa ng bise alkalde na wala rin itong naidulot na mabuti sa kanilang mga buhay maging sa ibang Pilipino sa loob ng maraming dekadang pakikipagbakbakan at tanging ang kanilang mga lider ang nakinabang dito.
By Meann Tanbio | Report from Jandi Esteban (Home Radio News FM Davao)