Muling kinondena ng Santo Papa ang nagpapatuloy na kaguluhan sa Ukraine sa ginanap na Easter Vigil Mass sa Saint Peter’s Basilica.
Sa homilya ni Pope Francis, tinawag niya bilang “darkness of war, of cruelty” ang giyera sa Ukraine.
Ayon sa Santo Papa, ipinagdarasal ng lahat ang mga apektado ng nagpapatuloy na kaguluhan dahil sobra na ang nararanasang pagdurusa ng mga ito.
Aniya, sa ngayon ay tanging panalangin lamang ang kayang maibigay ng marami sa biktima at apektado ng giyera.
Tinapos ng Santo Papa ang kaniyang homilya sa pagsasabi ng “Christ is risen” sa lenggawahe ng Ukraine.
Nabatid na pribadong nakipagkita si Pope Francis sa Ukrainian delegation bago ang pagsisimula ng misa. —sa panulat ni Abie Aliño