Kuntento si Kapuso actress Glaiza de Castro sa itinakbo ng kaniyang career sa nakalipas na 15 taon .
Ayon kay Glaiza nagpapasalamat siya sa mga sumusuporta at nagmamahal sa kaniya lalo sa Panginoong Diyos na nagbigay sa kaniya ng talento para mai share .
Sinabi ni Glaiza na halos lahat ng kaniyang pangarap bilang isang artist ay natupad na niya at natutuwa siyang napagtagumpayan niya ang mga pagsubok na dinaanan bago nakamit ang tagumpay na tinatamasa ngayon .
Itinuturing ni Glaiza na highlight ng kaniyang career ang pag release ng kaniyang album nuong isang taon na matagal na niyang pinagdarasal .
kamakailan ay tinanggap ni Glaiza ang gold record award para sa kaniyang self produced album na Synthesis .
Gayunman sinabi ni Glaiza na pangarap niya ring mag trabaho sa likod ng camera at pangunahin dito ang pagbuo ng sarili niyang production .
Si Glaiza ay gumaganap na Sang’re Pirena sa remake at retelling ng hit kapuso fantasy series na Encantadia.
By: Judith Larino