Nagdulot ng matinding pinsala sa Port of Glan sa Sarangani Province ang naganap na magnitude 7.1 na lindol kaninang umaga.
Sa ulat ni Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago kay DOTr o Department of Transportation Undersecretary Cesar Chavez, binanggit na nagkabitak-bitak ang mga dingding at tiles ng Passenger Terminal Building o PTB.
Dahil dito, inirekomenda ni Santiago ang pansamantalang pagpapasara sa nabanggit gusali dahil hindi na ito ligtas gamitin.
Maging ang wharf ay sinasabing nagkaroon din ng pinsala habang lumubog naman ng labing limang (15) sentimetro ang lumang pier sa naturang bayan.
By Jelbert Perdez
Glan port sa Sarangani napinsala ng lindol was last modified: April 29th, 2017 by DWIZ 882