Natagpuang walang buhay ang 35-anyos na American actor na si Mark Salling malapit sa kanyang bahay sa Los Angeles.
Ito ay ilang linggo bago ang inaasahang sentensya sa aktor na 4 hanggang 7 taong pagkakakulong dahil sa kasong child pornography.
Naghain ng guilty plea si Salling noong Oktubre para sa mas mababang parusa.
Kinumpirma ng abogadong si Michael Proctor sa isang official statement ang pagpanaw ng aktor at hiniling ang privacy para sa pamilya nito.
Ayon sa media reports, nagpakamatay si Salling sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili.
Matatandaang 2015 nang maaresto si Salling at nakasuhan noong 2016 matapos na umano’y matagpuan ang 50,000 pornographic images at videos ng mga kabataan sa laptop at external drive nito.
Unang nakilala si Salling sa kanyang pagganap sa hit musical TV series na ‘Glee’ bilang si Noah Puckerman.
By Aiza Rendon