Naayos na ng BPI o Bank of the Philippine Island ang naranasang aberya sa kanilang internal system at balik normal na rin ang operasyon ng kanilang mga ATM o Automated Teller Machines.
Ito’y makaraang umalma ang marami sa mga depositor ng nasabing bangko dahil sa mga auto-debit na kanilang naranasan sa mga transaksyon.
Kasabay nito, iginiit ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi na-hack ang sistema ng BPI taliwas sa mga naglalabasang ulat.
Tiniyak ni BSP Governor Nestor Espenilla na walang perang mawawala mula sa mga kliyente ng BPI at humihngi sila ng dispensa sa aberyang idinulot nito.
By: Jaymark Dagala