Pinaboran ng Pilipinas ang resolusyon ng united Nations General Assembly na nagbabawal sa parusang kamatayan sa buong mundo.
Kabilang ang Pilipinas sa 130 mga bansa na pumabor sa global moratorium sa death penalty; kung saan 32 ang kumontra, habang 22 iba pa ang nag-abstain.
Inihayag sa resolusyon ang matinding alalahanin patungkol sa pagpapataw ng parusang kamatayan at muling pinagtibay ang karapatan ng lahat ng mga bansa na bumuo ng sariling batas.
Nanawagan din ito sa lahat ng mga bansa na magtatag ng moratorium sa mga pagbitay, anuman ang kanilang mga sistemang pampulitika, pang-ekonomiya at kultura.
Ang Pilipinas ang unang bansa sa asya na nagpawalang-bisa ng parusang kamatayan sa ilalim ng 1987 constitution. - Sa panulat ni Laica Cuevas