Halos papalo nasa 4-M ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID- 19) sa buong mundo.
Sa nasabing bilang 98 porsyento o nasa mahigit 2-M ay nasa mild condition at 2 porysento naman o mahigit 48,000 ay serious o critical condtion.
Ang amerika pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng COVID- 19 infected na nasa mahigit 1-M na at death toll ay nasa halos 75,000 na.
Samantala nasa 265,000 na ang kabuuang nasasawi dahil sa COVID- 19 at nasa halos 1. 3-M naman ang naka recover mula sa nasabing virus.