Pumapalo na sa mahigit 32.62 million ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa mahigit 210 mga bansa sa buong mundo.
Sa nabanggit na bilang, mahigit 988,000 na kabuuang bilang ng nasasawi magmula nang mapaulat ang unang kaso nito sa China noong Disyembre ng nakaraang taon.
Nananatili namang nangunguna ang Estados Unidos bilang bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 kung saan umaabot na sa higit 7 milyon ang kanilang kaso at higit 200,000 ang nasawi.
Pumapangalawa naman ang India na mayroon nang mahigit 5.9 milyong kaso at 93,000 ang nasawi.
Sinusundan ng Brazil na nakapagtala na ng mahigit 4.6 milyong kaso at halos isang daan at apatnapung libong nasawi; russia na mayroon nang mahigit 1.1 milyong kaso at higit 20,000 ang nasawi.
Samantala nasa ika-21 naman sa listahan ang Pilipinas na lumagpas na sa 300,000 ang kaso at mahigit 5,000 namatay.