Tuloy pa rin ang Global Climate Change Summit sa Paris sa katapusan ng Nobyembre kahit pa nagkaroon ng mga serye ng pag-atake sa nasabing siyudad nitong Biyernes ng Gabi.
Ayon kay France Prime Minister Manuel Valls mahalagang matuloy ang nasabing pagpupulong dahil tungkol ito sa humanity o sangkatuahan.
Isa rin anya itong paraan upang maipakita ng mga lider ng ibat ibang bansa ang kanilang pakikiisa sa France matapos ang mga pag-atake doon.
Aabot sa 118 world leaders ang inaaasahang dadalo sa pagbubukas ng Global Climate Change Summit sa Nov 30.
Nasa 20,000 hanggang 40,000 delegado naman ang inaasahang pupunta sa nasabing pagpupulong na magtatagal ng hangang Dec 11.
Sa ngayon, ayon sa mga opisyal sa Washington plano pa rin nina US President Barack Obama and Secretary of State John Kerry na dumalo sa summit sa France.
By: Jonathan Andal