Dapat ng magkaroon ng global cooperation laban sa terorismo.
Ito ang iginiit ni Russian President Vladimir Putin matapos makumpirmang 6 na Russo ang kabilang sa 20 patay sa pamamaril ng terror group na Boko Haram, sa bansang Mali.
Ayon kay Putin, ang pag-atake sa Mali at Paris, France ay indikasyon na wala ng kinikilalang bansa na pupuntiryahin ang mga terorista na itinuturing ng “salot sa buong mundo” na dapat puksain.
Pawang staff ng Volga-Dnepr Freight Airline ang 6 na Russian na nasawi sa pag-atake at hostage taking na naganap sa hotel sa kabisera na Bamako.
By: Drew Nacino