Lumampas na sa 250 million ang global COVID-19 cases, kabilang ang mahigit 5 million deaths, sa gitna ng nararanasang record Delta variant outbreak sa ilang bahagi ng Europa habang papalapit ang winter.
Bagaman bumaba ng 36% ang daily average rate ng cases sa nakalipas na tatlong buwan, naka-hahawa pa rin ang Delta sa tinatayang 50 million individuals kada 90 days, batay sa datos ng World Health Organization (WHO).
Kumbinsido naman ang WHO na bumagal na ang pagkalat ng sakit dahil sa bakuna pero kailangan pa ring matiyak na may sapat na supply ang iba pang bansang humaharap sa pandemya.
Umaasa rin ang nasabing sangay ng United Nations na tuluyang mako-control ang COVID-19 at mababawasan ang death rate sa taong 2022.
Kabilang sa mga nakararanas ng panibagong Delta surge ang Russia, Ukraine at Greece. —sa panulat ni Drew Nacino