Pumalo na sa 132.73 milyon ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong daigdig.
Ito’y ayon sa World Health Organization (WHO) makaraang makapagtala ito ng 667,000 coronavirus cases sa loob lamang ng isang araw.
Sinasabing ang pinakamaraming kaso ay mula sa South at North Americas na nasa 225,361 na sinundan ng Europa (221,379 cases), at Southeast Asia (140,405).
Nanguna naman sa listahan ang Estados Unidos (30,541,000), kasunod ang Brazil (13,100,580), India (12,928,574), France (4,764,318), Russia (4,614,834), United Kingdom (4,367,295), Italy (3,700,393), Turkey (3,633,925), Spain (3,326,736), Germany (2,930,852), Poland (2,499,507) at Colombia (2,468,236).
Matatandaang natuklasan ang coronavirus outbreak sa Wuhan, China noong December 2019 hanggang sa kumalat ito sa iba’t ibang panig ng mundo.