Pumalo na sa 31 milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19 ) sa buong daigdig.
Batay sa tala ng World Health Organization (WHO), nangunguna pa rin ang estados unidos na may mahigit 6 milyong kaso.
Sinundan ito ng India na mayruong mahigit 5milyon, Brazil na may mahigit 4 milyon habang mahigit 1 milyon naman ang naitala sa Russia.
Kaugnay nito, umakyat na rin sa mahigit 940,000 lang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang bansa .
Habang mahigit 22 milyon naman ang total recoveries na naitala sa buong mundo.