Pumalo na sa mahigit 71-milyon ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig.
Ayon sa tala ng Reuters, nasa 71.12-milyon na ang kabuuang bilang ng kaso ng virus kung saan, 1,608,412 na ang nasawi, sa mahigit 210 bansa at teritoryo sa buong mundo.
Nangunguna pa rin ang US sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa 16,107,064 kung saan, 298,101 na ang mga nasawi.
Sinundan ito ng mga sumusunod na lugar:
- India: 9,857,029 mga kaso at 143,019 mga nasawi
- Brazil: 6,880,127 mga kaso at 181,123 mga nasawi
- Russia: 2,653,928 mga kaso at 46,941 mga nasawi
- France: 2,365,319 mga kaso at 57,761 mga nasawi
Samantala, sa ngayon ay nakapagtala na nang 449,400 kabuuang kaso ng COVID-19 ang Pilipinas kung saan nasa 8,733 naman ang mga nasawi.