Umakyat na sa mahigit 40-milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa mahigit 189 na bansa at teritoryo sa buong mundo.
Batay ito sa pinakahuling tala ng John Hopkins University kung saan mahigit 1.1-milyon na sa nabanggit na bilang ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nananatiling nangunguna ang estados unidos sa mga bansang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 na umaabot na sa mahigit 8-milyon at pagkasawi na pumapalo sa higit 220,000.
Sinusundan naman ito ng India na mayroong 7.5-milyong kaso at higit 114,000 namatay dahil sa COVID-19.
Pumapangatlo ang Brazil na mayroon nang mahigit 5.2-milyong kaso ng COVID-19 at halos 154,000 death toll.