Pumalo na sa mahigit 58.1 milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa talaan ng John Hopkins University, mahigit 1.3 milyon na sa nabanggit na bilang ang nasawi.
Estado Unidos pa rin ang nangungunang bansa na pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 kung saan nakapagtala na ng mahigit 12-milyong kumpirmadong kaso at higit 255,000 namatay.
Pumapangalawa ang india na mayroon nang mahigit 130,000 pagkasawi mula sa higit 9-milyong kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Pangato ang Brazil na nakapagtala na ng mahigit 6-milyong kabuuang kaso at halos 169,000 death toll.