Umakyat pa sa tinatayang mahigit 12.3 milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Naitala ang mga kaso mula sa 196 na mga bansa at teritoryo kung saan mahigit 550,000 na sa mga ito ang nasawi.
Pumalo naman sa halos 6.6 milyon ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa buong mundo.
Nananatili pa rin ang Estados Unidos sa pinakamatinding bansang tinamaan ng COVID-19 na nakapagtala na ng mahigit 3.1 milyong kaso kung saan higit 130,000 na ang nasawi.
Sinundan naman ang Estados Unidos ng Brazil na mayroon namang mahigit 1.7-milyong kaso at mahigit 69,000 mga nasawi.