Sumampa na sa mahigit 1.7-milyon ang bilang ng mga namamatay dahil sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Mula ito sa mahigit 77.53-milyong katao na tinamaan ng virus mula sa 210 na mga bansa at teritoryo sa buong daigdig.
Pinakamarami pa ring naitatalang kaso ng COVID-19 sa US na mayroon nang 17,992,770 cases at 319,644 na mga nasawi.
Sinundan ito ng mga sumusunod na bansa at lugar:
- India: 10,075,116 cases at 146,111 nasawi
- Brazil: 7,263,619 cases at 187,291 nasawi
- Russia: 2,906,503 cases at 51,912 nasawi
- France: 2,490,946 cases at 61,702 nasawi
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 462,815 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan, 9,021 sa mga ito ang nasawi.