Aabot na sa mahigit 100 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling datos, nasa kabuuang 179,259,991 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Sa naturang bilang, Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso ng nakamamatay na virus na aabot sa kabuuang 34, 406, 001.
Sinundan naman ng India na may 29, 935, 221 na nagpositibo sa pandemya.
Nasa 17,927,928 naman ang kaso sa Brazil habang 5,757,311 ang napaulat na kaso sa France.
3,882,107 naman ang bilang ng mga namatay sa virus, habang 163, 827, 935 naman ang naka-rekober o gumaling na sa COVID-19 sa buong mundo.