Aabot na sa mahigit 3.4 million ang bilang ng nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19.
Batay sa tala ng Agence France Press (AFP), nangunguna sa pinakamaraming naitalang nasawi ay ang bansang India na mayroon 3,511.
Sinundan ito ng Brazil na mayroong 790 at Colombia na may 483 new deaths.
Samantala pumapalo na sa 167,197,690 ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.