Inihayag ng World Health Organization (WHO) na aabot na sa isang milyong indibidwal ang nasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon.
Tinawag ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ”tragic milestone” ang nasabing bilang gayong mayroon na aniyang mga kagamitan upang mapigilan ang pagkasawi sa naturang sakit.
Pumalo naman sa halos 6.45 million deaths ang naitala ng who mula nang matukoy ang virus sa China noong 2019.
Kaugnay nito, hinimok ni Ghebreyesus ang gobyerno ng lahat ng bansa na paigtingin ang mga hakbang sa pagbabakuna sa lahat ng kanilang health workers, senior citizens at iba pang ”high risk” sa sakit.