Pumalo na sa mahigit 3.2-milyon ang bilang ng nasawi sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Agence France-Presse (AFP) makaraang madagdagan ito ng 10,340 na bagong bilang ng mga binawian ng buhay.
Pinakamaraming nasawi sa bansang India na mayroong 3,449 na sinundan ng Brazil na mayroong 983 at Argentina na nakapagtala ng 540.
Samantala nasa 153,403,380 ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa buong mundo.
Nasa 682,324 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit.