Pumapalo na sa mahigit 230,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, apat na buwan matapos matuklasan ang bagong virus sa China noong Disyembre ng nakaraang taon.
Habang mahigit 3.2-M na ang naitatalang kaso ng COVID-19 mula sa halos 200 mga bansa at teritoryo sa buong mundo.
Nananatili pa ring pinakamatinding naapektuhan ng nabanggit na virus ang Estados Unidos kung saan mahigit 61,700 na ang nasawi.
Sinusundan pa rin ito ng italy na nakapagtala na ng halos 28,000 pagkasawi dahil sa COVID-19.
Pumapangatlo na ang United Kingdom na mayroon ng mahigit 26,000 death toll, sumunod ang Spain at France na kapwa mahigit 24,000 na ang naitalang nasawi.