Tumaas ang global deaths sa tuberculosis (TB) sa pagitan ng 2019 at 2021, kung saan nabaligtad ang mga taon ng pagbaba nito dahil sa COVID-19.
Hindi nagbunga ang efforts na tugunan ang nakamamatay na sakit tulad ng aids, TB, malaria dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.
Hinimok naman ng who ang buong mundo na i-apply ang mga aral na nakuha mula sa pandemic sa tuberculosis, na nakakaapekto sa mga bansa gaya ng India, Indonesia, Philippines at Pakistan.
Sa taunang tb report ng World Health Organization (WHO), tinatayang 1.6 million ang namatay noong 2021 na bahagyang mas mataas kaysa sa 1.5 million na namatay noong 2020 at 1.4 million naman noong 2019.
Batay sa ulat, maaaring palitan ng TB ang COVID-19 bilang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo.
Samantala, nasa 10.6 million na indibidwal naman ang nagka-TB noong nakaraang taon, na bahagyang mas mataas ng 4.5% kaysa noong 2020. – sa panulat ni Hannah Oledan