Nanganganib maapektuhan ang ekonomiya ng buong mundo dahil sa nararanasang energy crisis.
Ito ang ibinabala ni French President Emmanuel Macron ilang araw bago ang 26th United Nations Climate Change Conference sa Glasgow, United Kingdom
Hinikayat ni Macron ang mga Kapwa World Leader na kumilos na laban sa climate change sa pamamagitan ng financial assistance o pledges.
Namemeligro anyang mabalam ang Post-COVID-19 Pandemic Recovery kung lalaganap ang kakapusin ng energy supply tulad ng oil products at coal.
Iginiit ng French President sa mga kapwa mayayamang bansa, partikular sa US at China, ang paglalatag ng solusyon upang maiwasan ang labis na pagnipis ng energy supply. —sa panulat ni Drew Nacino