Sumampa na sa record-high ang presyo ng mga pagkain sa mundo noong isang taon sa gitna nang global food supply disruption dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Batay ito sa Food Price Index ng United Nations – Food and Agriculture Organization (UN-FAO) na sumusubaybay sa international prices ng karaniwang food commodities.
Ayon sa UN-FAO umakyat sa average 143.7 points ang food price index noong 2022, kumpara sa 123.2 points noong 2021.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mataas na lebel ng food price index simula nang umpisahan ang record noong 1990.
Kabilang sa mga labis na nagtaas ng presyo ang mga cereal products, tulad ng trigo; asukal; karne; dairy products, gaya ng gatas at keso at vegetable oils, tulad ng mantika.
Dahil sa nagpapatuloy na giyera, nagbabala ang UN-FAO na posibleng mas numipis o kulangin ang supply ng pagkain sa mundo kasabay ng lumalaking demand, na sinabayan nang hindi maawat na pagtaas ng presyo ng krudo at kuryente.