Posibleng alisin na ngayong taon ang global health emergency sa COVID-19.
Ito’y ayon kay Dr. Maria Van Kerkhove, COVID-19 technical lead ng World Health Organization (WHO), dahil kahit nagpapatuloy aniya ang viral transmission sa buong mundo ay mayroon nang kakayahan ang iba’t ibang bansa na pangasiwaan ang severe cases at pagkasawi dahil sa naturang sakit.
Gayunman, sinabi ni Kerkhove na nananatiling kritikal ang surveillance at monitoring ng infections dahil sa pagsulpot ng mga bago at mas nakahahawang omicron subvariants.
Matatandaang idineklara ng WHO ang novel Coronavirus outbreak bilang isang Public Health Emergency of International Concern noong January 30, 2020, at bilang pandemic naman noong March 11, 2020.