Plano ng World Health Organization (WHO) na wakasan ang global health emergency sa COVID-19 bago matapos ang taong 2022.
Ayon kay WHO COVID-19 technical lead na si Dr. Maria Van Kerkhove layunin nito na ilatag sa pinakabagong global strategic preparedness and response plan para wakasan ang emergency COVID-19 sa pagtatapos ngayong taon.
Idineklara ng WHO noong 2020 ang public health emergency of international concern matapos ang paglaganap ng novel corona virus na mapanganib na sakit mula sa Wuhan, China.
Nasa 9.2 million ang senior citizens, ngunit nasa 6.8 million lamang ang nabakunahan habang 14.5 milyong kataong may comorbidities, subalit 9.4 million lamang ang ganap na nabakunahan.— mula sa panulat Jenn Patrolla