Asahan na ang matinding epekto sa mundo ng tuluyang pagsakop ng Russia sa Ukraine.
Ito ang ibinabala nina United Nations Secretary-General Antonio Guterres at Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba.
Ayon kay Guterres, nasa “balag na ng alanganin” ang mundo sa krisis sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sakali anyang lumawak ang tensyon, makikita ng mundo ang pinaka-malalang kaguluhan sa nakalipas na ilang dekada.
Umapela naman si Guterres sa magkabilang-panig na payagan ang pagpasok ng humanitarian agencies, kabilang sa mga non-government controlled areas sa Eastern Ukraine.
Samantala, inihayag naman ni Kuleba na hindi sapat ang sanctions laban sa Russia dahil hindi pa rin umaalis ang Russian forces sa Ukrainian border at dalawang separatist regions.