Pasok na sa semi-finals ang Globalport Batang Pier matapos gibain ang Barangay Ginebra sa overtime game kagabi na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Naging mahigpit ang labanan sa pagitan ng dalawang nabanggit na koponan kung saan nagtapos ang laro sa iskor na 84-83.
Pinangunahan ni Stanley Pringle ang panalo ng Global Port na nakapagtala ng 25 points habang nag-ambag naman si Terrence Romeo ng 23 puntos.
Samantala, inerereklamo naman ni Ginebra head coach Tim Cone ang ball hugging violation ni Pringle sa huling 7 segundo ng laro.
Anya, malinaw naman na may 5 secs. violation ang ginawa ni Pringle, ngunit hindi ito tinawagan ng referee dahilan para kapusin sa oras ang Gin Kings at maiuwi naman ng Batang Pier ang panalo.