Bagama’t nadagdagan na ang puwersa ng GlobalPort, hindi pa rin ito nakaporma sa Star matapos sungkitin ang 109-83 win sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.
Kumamada si Malcolm Hill ng 32 points, kasama ang 12 rebounds para sa Hotshots habang nagdagdag naman si Ian Sangalang ng 17 points.
Magugunitang isinuko ng Star si Allein Maliksi kapalit nina Bambam Gamalinda at Kyle Pascual.
Nalimitahan naman ng limang puntos si Stanley Pringle habang 11 points lamang ang nakuha ng high-scoring na si Terrence Romeo.
Samantala, sa isa pang laro, inilampaso naman ng Meralco Bolts ang Alaska Aces sa score na 106-78.
—-