Pinalakas pa ng Globe ang kampanya nito para proteksyunan ang mga kabataan sa pakikipagtulungan sa Child Protection Network Foundation Incorporated (CPN) at UNICEF.
Sa pamamagitan ito ng Telecpu Center sa barangay project kung saan nagkaloob ang Globe ng internet connectivity sa WiFi modem at mobile devices nito sa 55 hotspot barangays sa Metro Manila at Cavite.
Ang Telecpu Center sa barangay na pinaigting pa bilang support services para sa mga biktima ng child abuse sa bansa sa pamamagitan ng pagsasama sama ng teknolohiya, healthcare at community engagement ay nag a alok ng libreng teleconsultation follow up services sa mga pasyente ng child protection unit ng philippine general hospital sa pamamagitan ng barangay telemedicine hubs at pagtugon sa geographical at logistical barriers.
Ang kada hub ay kinabitan ng computer na mayruong kinakailangang software, webcam, headset, earphones at speakers habang nagkaloob naman ang globe ng wi fi modem at smartphone kasabay ang pagtiyak na mapapakinabangan ng partner barangay telemedicine hubs ang reliable internet connectivity.
Binigyang-diin ni Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ang pagmamalaki nilang makatuwang ang CPN at UNICEF sa aniya’y mahalagang programang ito lalo’t palagiang misyon ng Globe na gamitin ang teknolohiya para sa positibong pagbabago at makapagbigay ng kinakailangang resources sa vulnerable communities upang higit na maging accesible ang kalusugan at protection services at makatulong sa pagpapababa sa kaso ng child abuse.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Dr. Bernadette Madrid ng CPN sa nasabing partnership at kailangan aniyang tututukan ang patuloy na pagkakasa ng proyekto lalo nat marami ang sumusuporta sa nasabing adhikain tulad ng globe na bago nilang partner.
Sinegundahan naman ito ni Patricia Lim Ah Ken, Chief of Child Protection ng UNICEF kasabay ang pagkilala sa Globe at CPN bilang kanilang long time at valuable partners sa pakikibahagi sa pagbibigay proteksyon sa mga kababaihan at bata mula sa karahasan, pang a abuso at exploitation.
Buo aniya ang commitment ng UNICEF para makipagtulungan sa business at service providers upang ma proteksyunan ang lahat ng mga bata.
Pinatunayan naman ni Marlene Tumbokon, Violence Against Women and Children Officer (VAWC) mula sa Barangay 105 sa Tondo, Maynila ang kahalagahan ng naturang proyekto sa pagsasabing malaking tulong ang iisang numero na maaaring tawagan para makahingi ng tulong sa kanila.
Sa pamamagitan nang pinagsanib na puwersa ng Globe, CPN, UNICEF at Local Government Units (LGU) ang telecpu Center sa barangay project ay nagpapatunay ng mahalagang hakbangin para sa mas ligtas at more connected community upang kaagad na makatugon sa pangangailangan ng mga batang nasa panganib.
Para sa mas marami pang impormasyon kaugnay sa proyektong itobisitahin lamang ang http://www.globe.com.ph/.